Halina’t alamin ang mga produkto at pista sa naggagandang Lungsod
ng Baguio
Simulan natin sa pagpapakila ng Lungsod ng Baguio
Lungsod ng Baguio
Ang Lungsod ng Baguio ay isang highly urbanized city na matatgpuan
sa probinsya ng Benguet na nasa hilagang parte ng Luzon. Ayon sa census noong
2007, ang bilang ng naninirahan sa Baguio ay 301,926. Ito ay may taas na 1,610 na metro
Panayam
kay Mayor Mauricio Domogan
Mga Produkto ng Lungsod ng Baguio
Sikat ang Baguio sa
kanyang masarap at masustansyang strawberry jam. . Ang strawberry jam ay isang
produkto na ang pangunahing sangkap ay ang mga sariwang strawberry.Ito ay
kadalasang ipinapalaman sa tinapay.
Isa rin sa mga pinakasikat na
produkto sa Baguio ay ang peanut brittle. Ito ay gawa sa asukal o arnibal at mani. At ito ay masarap kainin tuwing nanonood ng telebisyon,pag kumakain sa labas ng bahay at marami pang iba.
Kilala rin sa
Baguio ang matitibay nitong produkto na walis. Ang walis ay isang kagamitang na ginagamit na panlinis ng bahay,bakuran at iba pa.
Ngayon tuklasin naman natin ang
mga masasayang pista na ipinagdiriwang ng Lungsod ng Baguio
Pistang ipinagdiriwang sa Lungsod ng Baguio
Ang Pista ng Panagbenga ay isang
pista na ang tinatampok ay ang mga naggagandahang mga bulaklak. Ito ang
pinakamakulay na pista sa Baguio. At noong nakaraang Pebrero ay nagsimula na
ang Pista ng Panagbenga na may temang “A Blooming Odyssey”.
Ngayong marami na kayong natuklasan sa kagandahan ng Lungsod ng Baguio maaari na po kayong mag-iwan ng iyong komento na may kaugnay sa iyong natutunan. MARAMING SALAMAT PO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento